Linggo, Marso 10, 2019

BASURA'Y IBASURA


       Napakaganda ng paligid, ang sarap langhapin ng sariwang hangin, at maging mga batang naglalaro sa kalsada ay Kay sasaya. Ang sasayang tingnan ng mga tanawin kung ito'y malinis pa.
              Napakaraming isyu ang  kinakaharap ngayon ng aging komunidad, mga isyu at problemang  kailangan mabigyan kaagad ng solusyon. Isa na rito ay ang problema sa mga basura.
       Ang basura ang pinaka problema dito sa aming barangay. Sa tuwing gigising at nagbubukas ako sa umaga ay sobrang nakakainis dahil maraming diapers at plastic ang naka kalat sa harapan ng bahay. Tinatangay ay hinahalungkat ng mga asong gala kung gabi. Ito ay paulit-ulit ng paulit -ulit ng paulit-ulit na nangyayari dahil walang tapunan dito ng basura. Ilang sako na ang nakaipon sa likod bahay  magdadalawang buwan na itong nakatambay, di maitapon dahil walang mapagtatapunan. Maraming tao na ang naiinis dahil kung minsan ay nangangamoy na ang kanilang nabubulok na basura. Ang problema sa basura ay isyu rin sa maraming lugar sa buong mundo. Ito ay walang hanggan ngunit mapipigilan. Ito ang pangunahing sanhi ng polusyon at pagbaha, ito rin ang pinagmulan ng iba't ibang sakit. Walang permanenteng solusyon  para into ay  malutas at mawakasan. Tila nagbubulag bulagan lamang ang mga  opisyal ng aming barangay upang tugunan ang problemang ito, para bang tinatakpan ng troso ang kanilang mga mata, dahilan upang ito'y di makita. Para bang ito'y isang napakalaking kalamidad na hindi agad nabibigyan ng solusyon. Pero tayong mga kabataan ay may magagawa para makontrol at mabawasan ang pagkalat ng  mga basura sa ating paligod. Sa akin parin nakasalalay ang kaayusan at kalinisan ng ating paligid. Huwag magtapon ng basura kung saan saan dahil maari pang ito ang maging mitsa ng ating buhay .
     Ang isyu sa basura ay nakabatay sa ating pag-uugali, disiplina ang kailangan para sa sariling kalinisan. Basuray itapon ng tama sa tamang basurahan ng sa gayon ay walang pakalat kalat na basura sa bawat lansangan. Sanayin ang sarili sa pagiging malinis at maayos. Tayo ay isinilang dito sa mundo para pangalagaan ang mga nandito. Tayo ang may kagagawan ng problemang ito kaya't tayo rin ang nararapat na lumutas ng problema. Tayo lang anmakakasolusyon sa problemang into . kung hindi natin ito sosulusyunan at ho hindi agad maagapan ay tayo rin ang maapektuhan at tayo rin ang maapektuhan at tayo angmagiging kawawa sa hinaharap. Dapat itong malutas agad para na rin sa susunod pang henerasyon. Ang kalinisan ang pangalawa sa kalusugan kung kaya't panatilihin  nating malinis ang aking kapaligiran lalong lalo na sa ating loob ng bahay. Huwag masyadong magtitiwala sa mga maliit na basurang pakalat kalat lang sa tabi-tabi dahilan napakalaking papel ang nagagampanan nito Kung nagkakaroon ng baha.
          "Nasa kamay mo ang kalinisan."

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

BILANG SHS, HANDA AKO

       Tila isang panaginip na nagbago ang lahat. Mga dati kong kaibigan at mga kaklase ay di ko na nakakasama. Ibang-iba na ang buhay ko...