Linggo, Marso 10, 2019
PAALAM
"Paalam", ito ang salitang masakit pakinggan, pero kailangan ng bitawan. Salitang nakpanlulumo pero iyon ang totoo. Hindi lahat ng bagay dito sa mundo ay permanente lang. Mayroong nawawala at naglalahong Padang bula. Masakit man sa damdamin pero kailangang sambitin " Paalam" mga minamahal kong kaklase, guro at mga kaibigan.
Ngayon ako'y sobrang nalulungkot dahil ito nalang ang huli nating pagkikita't pagsasama. Pasensya na kung Hindi ako naging perpektong estudyante, kaklase at kaibigan sa inyo. Patawad sa mga pagkakamaling nagawa ko. Patawad kong minsan o laging makulit ako. Patawad sa mga making inasal ko sa inyo.
Amo Taos-puso along nagpapasalamat dahil kayo ang pinagmulan ng mga aral na natutuhan sa buhay ko. Kayo ang pinakamasayang ala-ala na nangyari sa buhay ko. Kayo ang pangalawang pamilya ko. Kayo ang dahilan kung bakit naging komportable ako sa silid- aralan. Ako'y lubos na nagpapasalamat sa Diyos na nakilala ko kayo. Kayo ang bumuo ng Senior High School ko. Kayo ang nagsisilbing pader na sinsandigan ko Ku g ako'y nanlulumo. Kayo ang pinakamahusay na tagapayo ko. Salamat sa saying naidulot niyo. Kayo ang dahilan bakit ako ngayon naririto. Salamat sa mga naitulong niyo. Napakalaking panel ang nagampanan niyo sa buhay ko. Kayo ang naging daan para matuto ako at maging masayang tao. Slamat nt nagkng parts kayo ng buhay ko sa hinaharap. Salamat sa mga magagandang alalala na naiambag niyo sa buhay ko. Kayo ang da best at kayo rin ang maging inspirasyon ko. Salamat sa mga magagandang asal na itinuro niyo.
Sa ating paghihiwalay nagyong taon na ito, sana'y di kayo magbago. Sana'y manatili sa kung sino man kayo. Sana'y sa ating pagkikita kung san mang dako o lugar sana'y magpansinan parin tayo. Sana'y walang magbago sa ating pagiging magkaobigan kahit na tayo'y magkakahiwalay na sa ating mga alaala ay manatiling nandyan kayo nagibigay sa akin ng lakas para maging matagumpay sa lahat ng bagay. Hindi ko malilimutan ang ating pinagsamahan, mga alaala nati'y nakatatak na sa akin isipan. Isipin na lang nating hindi ito ang una't huli nating pagkikita. Magkikita parin tayo sa tamang panahkn. Kayo ang tunay na mga kaibigan at kamag-aral, kayo ang laging nandyan sa oras na ako'y nangangailangan. Salamat sa lahat ng naitulong niyo at nagppasalamat din ako sa pag intindi niyo sa akin.
Salamat !!
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
BILANG SHS, HANDA AKO
Tila isang panaginip na nagbago ang lahat. Mga dati kong kaibigan at mga kaklase ay di ko na nakakasama. Ibang-iba na ang buhay ko...

-
Tila isang panaginip na nagbago ang lahat. Mga dati kong kaibigan at mga kaklase ay di ko na nakakasama. Ibang-iba na ang buhay ko...
-
Isang matagumpay na ako ang nqkikita ko sa hinaharap. Marami along pangarap, pangarap na magkaroon ng isang masaya at matatag na pamilya...
-
Napakaganda ng paligid, ang sarap langhapin ng sariwang hangin, at maging mga batang naglalaro sa kalsada ay Kay sasaya. Ang sasay...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento