Tila isang panaginip na nagbago ang lahat. Mga dati kong kaibigan at mga kaklase ay di ko na nakakasama. Ibang-iba na ang buhay ko ngayon.kaysa noong akoy JHS pa lamang ako. Bilang estudyante nga senior hi school, iba-iba at marami ang mga kailangang gawin sa araw-araw. Ang k-12 na itoang nagsilbing gabay para mas magiging handa sa pagsubok sa Kolehiyo.
Matutulog ka nalang sa isang gabi na marami pa ding nakabingbing na mga tanong sa iyong isipan. Ano nanaman kaya ang aming gagawin bukas? Paano ko kaya magagawa ang mga takdang aralin gayong wala akong mapagkukunan ng sagot? Papasok kaya ang aming masungit na guro bukas? Pero ang tanong handa ka ba sa anumang pagsubok sa iyong buahy bilang SHS? " hay naku, kokehiyo na sana ako ngayon kung wala ang k-12 na ito" pero mas mabuti na ito dahil mas nadadagdagan ang ating mga kaalaman. Ako ay isang estudyante na pinili ang strand na GAS, at kasalukuyang nag-aaral sa Pioduran National High School senior hi school. Ito ang pinili kong kurso dahil alam kong higit na malilinang ang aking mga kasanayan at kaalaman. Bilang isang estudyanteng may pangarap, kinakailangang maging matatag, masipag, at matiyagapara maipasa ang mga asignatura. Minsan lagi nating iniisip kung tayoy nasa loob ng klase na sana bumilis na ang takbo ng oras para maka uwi na kaagad. Pero kung pinagtitiyagaan natin ang ating pag-aaral dito natin mararamdaman na tayo ay masaya dahil tinitiis natin para sa pangarap may mga araw at oras na malungkot ako sa klase, pero kapag nakikita ko ang iba kong kaklase na nakangiti parin sa kabila ng kahirapan na nararasan ay nagiging masaya nalang din ako sabi nga nila hayaan mong ang yong problema ang mamroblema sa iyu. Isipin natin na kayang kaya nating lagpasan ang lahat ng ito. Ang lahat ng problema ay mayroong kaakibat na solusyon lagi mong ihanda ang yong sarili sa anumang hamon na iyong kakaharapin."prolema mo, solusyonan mo"
Ang buhay senior high school ay parang klima, pabago bago minsan magulo, minsan sakit sa ulo, at minsan parang bagyo na para bang lulugmukin ka sa iyung kinatatayuan. Dapat maging handa ka sa buhay na ito, ituring mong isang magiting na kawal ang iyung sarili, kawal na di papatalo at handang lumaban para masupil at matalo ang mga kaaway.
Ang buhay senior high school ay dapat na paghandaang maigi, dahil ito ang magiging daan at magdadala tungo sa tagumpay. Isang hamon sa buhay ang mga mahihirap na gawain, mga agwaing hindi mo inaasahan, bagay na, dapat iyung paghandaan para makakuha ng mataas na marka. Ang mga responsibilidad mo bilang isang istudyante ay parang malaking bato na nakakabit sa iyung balikat. Ito ang pasaning nakaatang sayo na lagi mong dala dala sa araw-araw. Ito ang buhay na hindi mo pinili pero ginusto mo para sa kapakanan ng iyung pamilya.
Mahirap pero masarap ang buhay istudyante, dahil dito ka makakakuha ng maraming aral, dito mo rin madidiskubre ang mga nakatago mong talento. Dito ako natutong at magpakumbaba na dati di ko ginagawa dito ako nagiging mas aktibo at natutong makisalamuha sa iba, maging guro man o kamag aral. Dito rin ako nagkaroon ng mga ideya sa bagay bagay. Ang kursong ito ang humubog sa aking buong pagkatao, at nagmulat sa aking isipan. Walang bagay na imposible kung gusto talaga natin matuto. Mataas na motibasyon para sa iyung sarili na kaya mong gawin ang isang bagay. Ang pagiging positbo sa aking buhay ang naging daan para malampasan ang mga pagsubok bilang istudyante.
Paghandaan mo lang lahat at magtatagumpay ka walang bagay na imposible kung ikay handa. Alam ang kakarampot kong tiwala sa aking sarili ay syang magdadala tungo sa malaking tagumpay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento