Linggo, Marso 10, 2019

TULAY NA APOY



     Ang makaapak at makapag-aral sa isang mataas na paaralan ay maituturing kong isang regalo at napakalaking pagkakataon para makamit ang pinakamimithing pangarap. Ito ay ang isang napakalaking oportunidad sa tulad kong kapos sa bahay. Ang pag-aaral kung ito ang syang magdadala sa akin sa rurok ng tagumpay.
      Ibang-ba na ang mga kilos at aktibidad ko ngayon kumpara noong ako'y nag-aaral pa lamang sa JHS. Tanda ko pa na noon ay di pa ako marunong sumayaw, pero ngayong SHS na ako ay di to na ako natuto at nakasabay sa grupo para mabigyan ng grado. Lagi rin akong kinakabahan asa tuwing nagtuturo na si ma'am dahil bigla-bigla nalang syang magtatanong at lacing nabubunot ang aking pangalan. Kung kaya simula noon ay napagtanto ko na dapat akong laging magrebyo para sa susunod na matatawag ulit ang pangalan ko ay masasagot ko na at para hindi na rin ako kabahan pang muli, at iyon nga ang ginagawa ko. Ibat-ibang karanasan ang akong nararanasan, mga karanasang di ko malilimutan, mga ala-alang tumatak na sa aking isipan. Naranasan kong hindi matulog buong gabi dahil tinapos ko magdamag ang aking proyekto sa EAPP. Tinapos ko iyon kahit na sobrang sakit na ang making mga mata, at gustong-gusto ko ng matulog ng mga oras na iyon, pero ang inaasam kong makakuha ng mataas na grado ay ang making ginawang motibasyon para matapos ko ito.
          Madalas na rin akong napapagalitan dahil magtatakip-silim na ng akoy umuuwi dahil may tinatapos lang na gawain sa paaralan.
       " Huwag susuko" ang salitang madalas kung sinasabi sa tuwing ako'y nakakaramdam ng panghihina at nawawalan ng gana. Lagi kong tinatanim sa aking isipan na may pamilyang umaasang akoy makakapagtapos at makakahanap ng magandang trabaho. Napakahirap ng aking mga naranasan, pero alam kong ang lahat ng ito ay mapapalitan ng kasiyahan kapag napagtagumpayan na.
Apoy kung ituring ko ang mga masalimuot na aking mga karanasan, Apoy na parang tumutupok sa akin sa oras ng kagipitan. Pero akoy sobrang nagpapasalamat sa Diyos, mga kaklase at mga magulang dahil sila ang tumutulong sakin para makatawid at magtagumpay sa mga kahirapan. Hindi hadlang ang hamon sa buhay para sumuko, bagkus ito ang ginagawa kung motibasyon para makapagtapos. Bagama't nakakapagod mag-aral pero masaya parin ako dahil alam kong magiging matagumpay ako sayo hinaharap.
                   Ang aking pamilya ng ang aking pangunahing inspirasyon ko sya aking pag-aaral. Di ako mapapagod at kahit kailan ay di susuko dahil hindi sila sumuko at kahit kailan ay hind napagod na ako ay suportahan. Dahil sa kanila, ako ay nananatiling matatag at nilalakasan ang aking loob, ako ay lumalaban para sa ikagaganda ng aking kinabukasan. Hindi ako susuko, dahil kung susuko ako ay alam kong walang magandang patutunguhan ang buhay ko. Balang araw ay makakahanap di ako ng magandang trabaho ng sa gayun ay masuklian ko ang aking magulang sa kabila ng kanilang paghihirap na ginawa para ako'y mapag-aral.
               Napaka- swerte ko dahil may pamilyang nag-aaruga sa akin, sila ang nagsisilbing tubing na pumapataysa apoy na aking kinakaharap. Ang lahat ng masalimoot kong karanasan ay nagsibing tulay na apoy sa aking buhay, Tulay na mahirap tahakin dahil puno ng patibong at mga matatalas na patalim. Tulay ng pagsubok at kahirapan na nagsisilbing motibasyon tungo sa ganap na tagumpay.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

BILANG SHS, HANDA AKO

       Tila isang panaginip na nagbago ang lahat. Mga dati kong kaibigan at mga kaklase ay di ko na nakakasama. Ibang-iba na ang buhay ko...