Martes, Marso 12, 2019

BILANG SHS, HANDA AKO


       Tila isang panaginip na nagbago ang lahat. Mga dati kong kaibigan at mga kaklase ay di ko na nakakasama. Ibang-iba na ang buhay ko ngayon.kaysa noong akoy JHS pa lamang ako. Bilang estudyante nga senior hi school, iba-iba at marami ang mga kailangang gawin sa araw-araw. Ang k-12 na itoang nagsilbing gabay para mas magiging handa sa pagsubok sa Kolehiyo.
        Matutulog ka nalang sa isang gabi na marami pa ding nakabingbing na mga tanong sa iyong isipan. Ano nanaman kaya ang aming gagawin bukas? Paano ko kaya magagawa ang mga takdang aralin gayong wala akong mapagkukunan ng sagot? Papasok kaya ang aming masungit na guro bukas? Pero ang tanong handa ka ba sa anumang pagsubok sa iyong buahy bilang SHS? " hay naku, kokehiyo na sana ako ngayon kung wala ang k-12 na ito" pero mas mabuti na ito dahil mas nadadagdagan ang ating mga kaalaman. Ako ay isang estudyante na pinili ang strand na GAS, at kasalukuyang nag-aaral sa Pioduran National High School senior hi school. Ito ang pinili kong kurso dahil alam kong higit na malilinang ang aking mga kasanayan at kaalaman.               Bilang isang estudyanteng may pangarap, kinakailangang maging matatag, masipag, at matiyagapara maipasa ang mga asignatura. Minsan lagi nating iniisip kung tayoy nasa loob ng klase na sana bumilis na ang takbo ng oras para maka uwi na kaagad. Pero kung pinagtitiyagaan natin ang ating pag-aaral dito natin mararamdaman na tayo ay masaya dahil tinitiis natin para sa pangarap may mga araw at oras na malungkot ako sa klase, pero kapag nakikita ko ang iba kong kaklase na nakangiti parin sa kabila ng kahirapan na nararasan ay nagiging masaya nalang din ako sabi nga nila hayaan mong ang yong problema ang mamroblema sa iyu. Isipin natin na kayang kaya nating lagpasan ang lahat ng ito. Ang lahat ng problema ay mayroong kaakibat na solusyon lagi mong ihanda ang yong sarili sa anumang hamon na iyong kakaharapin."prolema mo, solusyonan mo"
    Ang buhay senior high school ay parang klima, pabago bago minsan magulo, minsan sakit sa ulo, at minsan parang bagyo na para bang lulugmukin ka sa iyung kinatatayuan. Dapat maging handa ka sa buhay na ito, ituring mong isang magiting na kawal ang iyung sarili, kawal na di papatalo at handang lumaban para masupil at matalo ang mga kaaway.
     Ang buhay senior high school ay dapat na paghandaang maigi, dahil ito ang magiging daan at magdadala tungo sa tagumpay. Isang hamon sa buhay ang mga mahihirap na gawain, mga agwaing hindi mo inaasahan, bagay na, dapat iyung paghandaan para makakuha ng mataas na marka. Ang mga responsibilidad mo bilang isang istudyante ay parang malaking bato na nakakabit sa iyung balikat. Ito ang pasaning nakaatang sayo na lagi mong dala dala sa araw-araw. Ito ang buhay na hindi mo pinili pero ginusto mo para sa kapakanan ng iyung pamilya.
    Mahirap pero masarap ang buhay istudyante, dahil dito ka makakakuha ng maraming aral, dito mo rin madidiskubre ang mga nakatago mong talento. Dito ako natutong at magpakumbaba na dati di ko ginagawa dito ako nagiging mas aktibo at natutong makisalamuha sa iba, maging guro man o kamag aral. Dito rin ako nagkaroon ng mga ideya sa bagay bagay. Ang kursong ito ang humubog sa aking buong pagkatao, at nagmulat sa aking isipan. Walang bagay na imposible kung gusto talaga natin matuto. Mataas na motibasyon para sa iyung sarili na kaya mong gawin ang isang bagay. Ang pagiging positbo sa aking buhay ang naging daan para malampasan ang mga pagsubok bilang istudyante.
    Paghandaan mo lang lahat at magtatagumpay ka walang bagay na imposible kung ikay handa. Alam ang kakarampot kong tiwala sa aking sarili ay syang magdadala tungo sa malaking tagumpay.

    Linggo, Marso 10, 2019

    TULAY NA APOY



         Ang makaapak at makapag-aral sa isang mataas na paaralan ay maituturing kong isang regalo at napakalaking pagkakataon para makamit ang pinakamimithing pangarap. Ito ay ang isang napakalaking oportunidad sa tulad kong kapos sa bahay. Ang pag-aaral kung ito ang syang magdadala sa akin sa rurok ng tagumpay.
          Ibang-ba na ang mga kilos at aktibidad ko ngayon kumpara noong ako'y nag-aaral pa lamang sa JHS. Tanda ko pa na noon ay di pa ako marunong sumayaw, pero ngayong SHS na ako ay di to na ako natuto at nakasabay sa grupo para mabigyan ng grado. Lagi rin akong kinakabahan asa tuwing nagtuturo na si ma'am dahil bigla-bigla nalang syang magtatanong at lacing nabubunot ang aking pangalan. Kung kaya simula noon ay napagtanto ko na dapat akong laging magrebyo para sa susunod na matatawag ulit ang pangalan ko ay masasagot ko na at para hindi na rin ako kabahan pang muli, at iyon nga ang ginagawa ko. Ibat-ibang karanasan ang akong nararanasan, mga karanasang di ko malilimutan, mga ala-alang tumatak na sa aking isipan. Naranasan kong hindi matulog buong gabi dahil tinapos ko magdamag ang aking proyekto sa EAPP. Tinapos ko iyon kahit na sobrang sakit na ang making mga mata, at gustong-gusto ko ng matulog ng mga oras na iyon, pero ang inaasam kong makakuha ng mataas na grado ay ang making ginawang motibasyon para matapos ko ito.
              Madalas na rin akong napapagalitan dahil magtatakip-silim na ng akoy umuuwi dahil may tinatapos lang na gawain sa paaralan.
           " Huwag susuko" ang salitang madalas kung sinasabi sa tuwing ako'y nakakaramdam ng panghihina at nawawalan ng gana. Lagi kong tinatanim sa aking isipan na may pamilyang umaasang akoy makakapagtapos at makakahanap ng magandang trabaho. Napakahirap ng aking mga naranasan, pero alam kong ang lahat ng ito ay mapapalitan ng kasiyahan kapag napagtagumpayan na.
    Apoy kung ituring ko ang mga masalimuot na aking mga karanasan, Apoy na parang tumutupok sa akin sa oras ng kagipitan. Pero akoy sobrang nagpapasalamat sa Diyos, mga kaklase at mga magulang dahil sila ang tumutulong sakin para makatawid at magtagumpay sa mga kahirapan. Hindi hadlang ang hamon sa buhay para sumuko, bagkus ito ang ginagawa kung motibasyon para makapagtapos. Bagama't nakakapagod mag-aral pero masaya parin ako dahil alam kong magiging matagumpay ako sayo hinaharap.
                       Ang aking pamilya ng ang aking pangunahing inspirasyon ko sya aking pag-aaral. Di ako mapapagod at kahit kailan ay di susuko dahil hindi sila sumuko at kahit kailan ay hind napagod na ako ay suportahan. Dahil sa kanila, ako ay nananatiling matatag at nilalakasan ang aking loob, ako ay lumalaban para sa ikagaganda ng aking kinabukasan. Hindi ako susuko, dahil kung susuko ako ay alam kong walang magandang patutunguhan ang buhay ko. Balang araw ay makakahanap di ako ng magandang trabaho ng sa gayun ay masuklian ko ang aking magulang sa kabila ng kanilang paghihirap na ginawa para ako'y mapag-aral.
                   Napaka- swerte ko dahil may pamilyang nag-aaruga sa akin, sila ang nagsisilbing tubing na pumapataysa apoy na aking kinakaharap. Ang lahat ng masalimoot kong karanasan ay nagsibing tulay na apoy sa aking buhay, Tulay na mahirap tahakin dahil puno ng patibong at mga matatalas na patalim. Tulay ng pagsubok at kahirapan na nagsisilbing motibasyon tungo sa ganap na tagumpay.


    PANGARAP KONG AKO


    Isang matagumpay na ako ang nqkikita ko sa hinaharap.
    Marami along pangarap, pangarap na magkaroon ng isang masaya at matatag na pamilya, pangarap na matulungan ang aking mga kapatid at mabigyan sila ng magandang buhay balang araw. Pangarap na sana ay magkaroon pa ng maraming totoong kaibigan, kaibigan na handa kang damayan sa oras ng iyong pangangailangan.
              Isang napakagandang oportunidad na masulatan at makausap ko ang aking sarili sa hinaharap. Una sa lahat ay huwag mong kalimutan ang panginoong Diyos na magiging sandata mo sa lahat ng oras. Walang  bagay ang hindi mo kayang gawin kung ikaw ay nananalig at nagtitiwala sa Diyos.
                        Sana ay magiging mabait ka at matulungin ka parin tulad ng dating ikaw. Isa ka sa inaasahan ng iyong pamilya kaya nararapat lamang na ayusin mo ang iyong buhay at gawin mo kung ano ang syang nararapat. Magpakatatag ka sa lahat ng haharapin mong problema. Marami ka pang pagdadaanan pero gawin mo ang iyong pinaka-makakaya at ipakita mo sa lahat na ikaw na ikaw ay magaling at kayang-kaya mong lampasan lahat ng magiging problema sa iyong buhay.
                     Kung sakali mang ganap ka ng matagumpay sa hinaharap, wag mo sanang kalimutan ang mga taong tumulong at naging parte ng iyong buhay. Wag na wag kang magmamataas, sa halip ay ituring mong napakababa ng iyong sarili. Mawawalan ng halaga ang yamat at mga ari-arian kung ang tingin ng tao ay wala ng kwenta dahil sa iyong inaasta. Matuto kang lumingon ng mga nasa baba at ituring mo ang iyong sarili na ikaw ay isa rin sa kanila.
            Huwag kang magiging gahaman sa pera at ari-arian, maglalaho lamang ang lahat ng iyan, pero ang magandang ugali ay Hindi nakukupas kaylanman. Matuto kang magbahagi sa iyong kapwa, hindi lang sa mga materyal na bagay, kung hindi gayundin ay nais kung ibahagi mo ang iyong kaalaman. Huwag kang magiging makasaril at huwag kang magpadala sa tukso, at huwag kang gagawa ng bagay na makasasama sayo.
            Huwag mo rin pababayaan ang iyong sarili. Sana ay tumangkad at tumaba ka na , sana'y madagdagan pa ang iyong kakyutan. Sanay lacing kang bigyan ng pagsubok ng panginoong Diyos upang mad magiging matatag at tumibay ang iyong pananalig sa kanya. Huwag mong kakalimutan ang iyong mga natutunan at maging huwaran kang indibidwal sa aking lipunang ginagalawan. Mananatili kang masipag at matiyaga para sa iyong pamilya. Matuto kang makuntento sa anumang mayroon ka.magtiwala ka lagi sa Diyos dahil walanf imposible sa kanya. Manampalataya ka't di ka nya ipapahamak at di ka bibiguin sa lahat ng oras. Sanay di ka magbago, patuloy kang lumakad sa tamtamang land as kung saan ka namulat.
             Sikapin mong maging ikaw, maging isa kang magandang halimbawa sa lahat, imaging masigasig ka sa laht ng oras,maging positibo ka lamang sa lahat ng bagay. Imaging produktibo ka at maging kapaki-pakinabang sa iyong bansa.

    BASURA'Y IBASURA


           Napakaganda ng paligid, ang sarap langhapin ng sariwang hangin, at maging mga batang naglalaro sa kalsada ay Kay sasaya. Ang sasayang tingnan ng mga tanawin kung ito'y malinis pa.
                  Napakaraming isyu ang  kinakaharap ngayon ng aging komunidad, mga isyu at problemang  kailangan mabigyan kaagad ng solusyon. Isa na rito ay ang problema sa mga basura.
           Ang basura ang pinaka problema dito sa aming barangay. Sa tuwing gigising at nagbubukas ako sa umaga ay sobrang nakakainis dahil maraming diapers at plastic ang naka kalat sa harapan ng bahay. Tinatangay ay hinahalungkat ng mga asong gala kung gabi. Ito ay paulit-ulit ng paulit -ulit ng paulit-ulit na nangyayari dahil walang tapunan dito ng basura. Ilang sako na ang nakaipon sa likod bahay  magdadalawang buwan na itong nakatambay, di maitapon dahil walang mapagtatapunan. Maraming tao na ang naiinis dahil kung minsan ay nangangamoy na ang kanilang nabubulok na basura. Ang problema sa basura ay isyu rin sa maraming lugar sa buong mundo. Ito ay walang hanggan ngunit mapipigilan. Ito ang pangunahing sanhi ng polusyon at pagbaha, ito rin ang pinagmulan ng iba't ibang sakit. Walang permanenteng solusyon  para into ay  malutas at mawakasan. Tila nagbubulag bulagan lamang ang mga  opisyal ng aming barangay upang tugunan ang problemang ito, para bang tinatakpan ng troso ang kanilang mga mata, dahilan upang ito'y di makita. Para bang ito'y isang napakalaking kalamidad na hindi agad nabibigyan ng solusyon. Pero tayong mga kabataan ay may magagawa para makontrol at mabawasan ang pagkalat ng  mga basura sa ating paligod. Sa akin parin nakasalalay ang kaayusan at kalinisan ng ating paligid. Huwag magtapon ng basura kung saan saan dahil maari pang ito ang maging mitsa ng ating buhay .
         Ang isyu sa basura ay nakabatay sa ating pag-uugali, disiplina ang kailangan para sa sariling kalinisan. Basuray itapon ng tama sa tamang basurahan ng sa gayon ay walang pakalat kalat na basura sa bawat lansangan. Sanayin ang sarili sa pagiging malinis at maayos. Tayo ay isinilang dito sa mundo para pangalagaan ang mga nandito. Tayo ang may kagagawan ng problemang ito kaya't tayo rin ang nararapat na lumutas ng problema. Tayo lang anmakakasolusyon sa problemang into . kung hindi natin ito sosulusyunan at ho hindi agad maagapan ay tayo rin ang maapektuhan at tayo rin ang maapektuhan at tayo angmagiging kawawa sa hinaharap. Dapat itong malutas agad para na rin sa susunod pang henerasyon. Ang kalinisan ang pangalawa sa kalusugan kung kaya't panatilihin  nating malinis ang aking kapaligiran lalong lalo na sa ating loob ng bahay. Huwag masyadong magtitiwala sa mga maliit na basurang pakalat kalat lang sa tabi-tabi dahilan napakalaking papel ang nagagampanan nito Kung nagkakaroon ng baha.
              "Nasa kamay mo ang kalinisan."

    PAALAM


            "Paalam", ito ang salitang masakit pakinggan, pero kailangan ng bitawan. Salitang nakpanlulumo pero iyon ang totoo. Hindi lahat ng bagay dito sa mundo ay permanente lang. Mayroong nawawala at naglalahong Padang bula. Masakit man sa damdamin pero kailangang sambitin " Paalam" mga minamahal kong kaklase, guro at mga kaibigan.
          Ngayon ako'y sobrang nalulungkot dahil ito nalang ang huli nating pagkikita't pagsasama. Pasensya na kung Hindi ako naging perpektong estudyante, kaklase at kaibigan sa inyo. Patawad sa mga pagkakamaling nagawa ko. Patawad kong minsan o laging makulit ako. Patawad sa mga making inasal ko sa inyo.
      Amo    Taos-puso along nagpapasalamat dahil kayo ang pinagmulan ng mga aral na natutuhan sa buhay ko. Kayo ang pinakamasayang ala-ala na nangyari sa buhay ko. Kayo ang pangalawang pamilya ko. Kayo ang dahilan kung bakit naging komportable ako sa silid- aralan. Ako'y lubos na nagpapasalamat sa Diyos na nakilala ko kayo. Kayo ang bumuo ng Senior High  School ko. Kayo ang nagsisilbing pader na sinsandigan ko Ku g ako'y nanlulumo. Kayo ang pinakamahusay na tagapayo ko. Salamat sa saying naidulot niyo. Kayo ang dahilan bakit ako ngayon naririto. Salamat sa mga naitulong niyo. Napakalaking panel ang nagampanan niyo sa buhay ko. Kayo ang naging daan para matuto ako at maging masayang tao. Slamat nt nagkng parts  kayo ng buhay ko sa hinaharap. Salamat sa mga magagandang alalala na naiambag niyo sa buhay ko. Kayo ang da best at kayo rin ang maging inspirasyon ko. Salamat sa mga magagandang asal na itinuro niyo.
          Sa ating paghihiwalay nagyong taon na ito, sana'y di kayo magbago. Sana'y manatili sa kung sino man kayo. Sana'y sa ating pagkikita kung san mang dako o lugar sana'y magpansinan parin tayo. Sana'y walang magbago sa ating pagiging magkaobigan kahit na tayo'y magkakahiwalay na sa ating mga alaala ay manatiling nandyan kayo nagibigay sa akin ng lakas para maging matagumpay sa lahat ng bagay. Hindi ko malilimutan ang ating pinagsamahan, mga alaala nati'y nakatatak na sa akin isipan. Isipin na lang nating hindi ito ang una't huli nating pagkikita. Magkikita parin tayo sa tamang panahkn. Kayo ang tunay na mga kaibigan at kamag-aral, kayo ang laging nandyan sa oras na ako'y nangangailangan. Salamat sa lahat ng naitulong niyo at nagppasalamat din ako sa pag intindi niyo sa akin.
           Salamat !!

    BILANG SHS, HANDA AKO

           Tila isang panaginip na nagbago ang lahat. Mga dati kong kaibigan at mga kaklase ay di ko na nakakasama. Ibang-iba na ang buhay ko...